‘KAYA N’YO’ NG WOWOWEE, INSIDE JOB?
Malinaw na malinaw ang kopya ng video na nagpapakita kina Willie Revillame, Mariel Rodriguez, Valerie Concepcion at Wowowee dancers habang pina-practice nila ang Wilyonaryo game segment.
Detalyado ang presentation sa rehearsal video na nagpakita na hindi lamang isang numero ang nakalagay sa loob ng gold wheel na binubuksan ni Willie habang nakikipagtawaran siya sa isang babae na “gumanap” bilang contestant.
Last week, nagpatawag ng presscon ang ABS-CBN para ipaalam sa lahat ang kaso na isinampa nila laban sa AGB-Nielsen. Nakalagay sa Interactive site ng Kapamilya network ang kanilang statement.
***
Malakas ang duda na may kinalaman sa demanda ng ABS-CBN laban sa AGB Nielsen ang paglabas ng rehearsal video ng Wowowee para tanggalan ng kredibilidad ang network.
Ito ang pahayag ni Bong Osorio sa PEP tungkol sa paglabas ng Wowowee rehearsal video:
“That’s an old issue. That has been going on for months, it stopped…We don’t know why it’s resurfacing. It’s an old issue. It has been discussed lengthily in the tabloids, TV, and afternoon programs. It has quietly taken a back seat until this afternoon.”
Malinaw ang footage ng rehearsal video na kumakalat sa Internet at ipinadadala sa mga entertainment columnist.
Dapat mag-imbestiga ang management ng ABS-CBN dahil tiyak na inside job o hindi iba sa kanila ang naglabas ng controversial video para patunayan na hindi “technical glitch” ang nangyari sa actual show noong August 2007.
“Kaya N’yo” ang pamagat ng Wowowee rehearsal video at inaasahan namin na mawawala o hindi na ‘yon mapapanood kapag nagreklamo ang ABS-CBN sa Youtube na exclusive property nila ang video footage
Source: ABANTE
